Bakit mapanganib ang trabaho ng Electrician?

 

Ang electrician ay ang nagkukumpuni, nag-iinstall at nag-aayos sa mga kagamitang elektrikal at iba pa. Ang kuryente ay nakamamatay, kaya ibayong pag-iingat ang kailangan sa trabahong ito. Mapanganib ang trabaho ng electrician dahil exposed sila sa panganib na dala ng kuryente. Ngunit hindi lamang ang kuryente ang mapanganib kundi pati narin ang kondisyon ng pinagtatrabahuhan at uri ng trabaho bilang electrician. Marami ang trabaho ng electrician sa site tulad nalang ng pagtatrabaho sa matataas na lugar, masisikip, basang lugar, ang paggamit ng mga power tools at pagtatrabaho sa live wires. Kaya naman ayon sa Occupational Safety and Health Standards ang Electrical works ay isa sa high risk o mapanganib na trabaho.

Mga panganib sa trabaho ng Electrician;

Nakadepende ito sa kondisyon ng pagtatrabahuhan at uri ng trabaho na gagawin ng electrician. Ang mga karaniwang panganib sa trabaho ng Eectrician ay tulad ng pagkahulog, pagkasugat, electrical burns, electric shock, fracture, electrocution at iba pa. Dahil sa marami at may iba’t-ibang proseso sa trabahong ito.

 

Pagkahulog.

  • ang karaniwang panganib sa trabaho ng electrician dahil kadalasan ang mga ginagawa nila ay nasa matataas na lugar tulad ng sa ceiling, sa ladder, poste at iba pa.

Pagkasugat.

  • isa din ito sa panganib dahil sa mga tools na ginagamit o sa kondisyon ng pinagtatrabahuhan.

Electrical Burns .

  • ang pagkasunog ng balat dulot ng pagkakakuryente.

Electric Shock.

  • ang panganib na dala ng kuryente, nangyayari ito kung ang tao ay nakahawak o dumikit sa live wire.
Fracture. 
  • ang pagtatrabaho sa matataas na lugar ay maaaring magdulot ng pagkahulog at pagkakaroon ng bali.

Electrocution.

  • ito ang mapanganib na dulot ng kuryente, ang pagkakakuryente na nagresulta sa pagkamatay ng tao.

Mga pamamaraan at panuntunan para maiwasan o mabawasan ang peligro sa trabaho;

May mga pamamaraan para maiwasan o mabawasan ang peligro sa trabaho tulad ng pagsunod sa mga safe work practices, ang paggamit ng PPE(Personal Protective Equipment), ang paggamit sa mga safe tools and equipment, ang pagsunod sa Occupational Safety and Health Standards, ang pagiging safety first bago magsimula sa trabaho at iba pa.

Safe Work Practices. 

  • isa sa epektibong pamamaraan na may mga methods sa safe work practices tulad ng safe operation procedure, safe work methods, permit procedure at hazard isolation procedure. Ang pagsunod dito ay makakaiwas o makakabawas sa peligro ng trabaho.

PPE(Personal Protective Equipment). 

  • ito ay isa sa mahalagang proteksyon sa sarili bago magsimula ng trabaho. Ang PPE ay personal proteksyon na kagamitan tulad ng pananamit, helmet, goggles, gloves, safety shoes at iba pa.

Safe Tools and Equipment. 

  • sa paggamit ng mga tools at equipment ay kailangan wala itong sira at safe gamitin. At gamitin ang tools o equipment sa tamang gamit o paggagamitan nito. Isa rin ito sa may panganib sa trabaho kung hindi nasa tama ang paggamit.

Occupational Safety and Health Standards.

  • ito ay panuntunan na kailangan natin sundin dahil ang purpose nito ay ang protektahan ang mga manggagawa sa panganib. May mga programa dito ukol sa papaano maiiwasan o mababawasan ang panganib sa trabaho. Ang bawat project site o mga kompanya sa industriya ngayon ay mga Safety Officers na nagpapatupad sa mga programang ito.

Always Think Safety First. 

  • ang kaligtasan sa trabaho ay nasa ating mga sarili kaya ugaliin ang unahin muna kaligtasan sa sarili bago gumawa ng hakbang. Lalo na sa kuryente kailangan ang focus at safety sa trabahong ito. Iwasan ang gumawa ng hakbang na makaka-aksidente o makakasakit sa sarili o sa katrabaho. 

Ang mga ito ay gabay para maiwasan o mabawasan ang panganib na dala sa trabaho ng electician. Ngunit kahit sa dobleng pag-iingat ay meron paring kapahamakan dahil ang aksidente ay lagi nating nasa tabi yan. Kaya Always Think Safety First at Magdasal bago magsimula sa trabaho. Kung umalis ka ng buo sa bahay niyo ay kailangan pagbalik mo ay buo ka parin. Ang pagtatrabaho ay para sarili, pamilya at para kumita ng pera para sa pangangailan ng buhay hindi para maaksidente at mamatay.

Scroll to Top