Basic Tests for New Electrical Installation an Electrician should know

Basic Tests for New Electrical Installation An Electrician should know.

  • Insulation Resistance Test
  • Electrical Wiring Continuity Test
  • Ground Resistance Test
  • Operational Test
  • Phase Balancing Test
  • Illumination Test

Ang mga tests na ito ay kailangan maisagawa bago maging operational at maiturn-over ang proyekto sa may-ari o kliyente. Sa tests na ito ay kasama dito ang Electrical Supervising Engineer, Electrical Foreman at ang may-ari o kliyente para masiguro na pasado sa testing ang Electrical Installation and to insure that it is free from electrical hazards and ready for operation. Ang iba sa mga tests na ito ay gumagamit ng mga testing devices/apparatus tulad ng Multi-Tester, Continuity Tester, Insulation Resistance Tester, Clamp Tester, Illuminance/Illumination Tester at iba pa.

Insulation Resistance Test

  • Sa test na ito ay sinusukat ang kalidad ng insulation ng cables at equipments. Sinisiguro dito na walang sira o hindi nasira ang insulation ng cables at equipments during the installation.

Electrical Wiring Continuity test

  • Ito ang common na testing sa electrical installation sinisiguro dito na ang electrical wiring ay walang short circuit, at walang connection ang line to line at line to earth/ground bago mag-karoon ng power supply.

Ground Resistance Test

  • Ang test na ito ay sinusukat at tinitingnan ang grounding connection from the electrical device or equipment to earth or ground kung pasado at effective ang grounding system ng electrical installation.

Operational Test

  • Ang testing na ito ay pinapagana na ang mga electrical devices at equipments kung gumagana na at walang sira. Tinitingnan din dito ang may sira na kagamitan para mapalitan at maayos kaagad.

Phase Balancing Test

  • Sa test na ito ay energized o may kuryente na ang electrical system. Ang testing na ito ay sinusukat ang phasing lalo na sa three phase system electrical installation kung balance at tama ang phasing nito. Ginagawa ito para maiwasan ang overloading ng bawat phase ng system at overheating ng electrical devices at connection.

Illumination Test

  • Sa test na ito ay sinusukat ang liwanag ng mga lighting devices sa iba’t-ibang uri ng silid at pangangailangan na liwanag ng bawat silid o kagustuhang liwanag ng may-ari o kliyente.

Ang mga test na ito ay karaniwan sa Electrical installation at marami pa ang ibang uri ng testing sa electrical. Kailangan alam ito ng bawat electrician para malaman ang mga testing na gagawin pagkatapos ng electrical installation.

Scroll to Top