Common Causes of Electrical Accidents

Ang kuryente ay mapanganib at maaring magdulot ng aksidente. Ngunit hindi lamang ang kuryente ang mapanganib kundi pati na rin ang kondisyon ng pinagtatrabahuhan at gumagawa. Kaya ang lahat ng gumagamit at gumagawa sa kuryente ay dapat may kamalayan sa tamang paggamit nito. Ang dapat na gumagawa sa elektrikal ay propesyonal na tao sa larangang ito. At kailangan alam ng gumagawa sa kuryente kung ligtas ba ang mga kagamitan na gagamitin. Kailangan ang electrical system at work practices ay ligtas para maiwasan ang aksidente.

Ito ang ilan sa mga karaniwang dahilan ng electrical accidents;

  • Unsafe acts
  • Unsafe condition
  • No proper training
  • Poor maintenance 
  • Working in live wires 
  • Person not competent 
  • Working on wet areas
  • Unsafe equipments and tools

Unsafe Acts

  • ito ay isa sa laging dahilan ng aksidente dahil sa hindi pagsunod sa mga ligtas na pamamaraan sa pagtatrabaho, tulad ng hindi pagsusuot ng tamang PPE (Personal Protective Equipment), hindi tamang paggamit ng equipment at tools, Horseplaying o pagbibiruan habang nasa trabaho at iba pa. Lalo ang pag shortcut sa mga proseso ng trabaho, ito ay unsafe act at maaring mag dulot ng aksidente.

Mga halimbawa ng unsafe acts;

  • Horseplay
  • Absent minded
  • Removal of safety devices
  • Lack or improper use of PPE
  • Failure to LOTO (Lockout/Tagout)
  • Operating Equipment without Authority
  • Failure to understand instructions  
  • Working while under the influence of alcohol or drugs

Unsafe Condition

  • ang hindi ligtas na kondisyon sa pagtatrabaho ay maaring magdulot ng aksidente. Tulad ng pagtatrabaho sa live wire na walang insulation at pagtatrabaho ng live wire sa basang lugar ito ay unsafe condition.

Mga halimbawa ng unsafe conditions;

  • Wet and slippery areas
  • Poor housekepping
  • Poor Ventilation
  • Using of equipments with missing parts
  • Poor storage of combustible materials
  • Lack of warning signs

No Proper Training

  • ang pagtatrabaho sa electrical ay kailangan may sapat na kaalaman. Karamihan dito sa Pilipinas ay kahit walang proper training sa electrical ay gumagawa kaya naman ito ay napakamapanganib dahil ang kuryente ay nakakamatay. At isa ito sa dahilan ng maraming aksidente na nauugnay sa kuryente. Ayon sa batas R.A. 7920 o New Electrical Engineering Law at R.A 11058 o Safety Law ng Pilipinas ay ipinagbabawal ang pagtatrabaho o pangunguntrata sa electrical ng walang sapat na training at lisensya.

Poor Maintenance

  • kung walang sapat na maintenance ang mga kagamitang elektrikal ito ay mapanganib at maaring magdulot ng aksidente. Tulad ng hindi mahihigpit na terminal lugs, ang paggamit ng mga electrical equipment o tools na may mga sira na, mga hinayaan lang na mga sirang kagamitang elektrikal ay maaring makaaksidente.

Working in Live Wires

  • isa ito sa karaniwang dahilan ng aksidente sa electrical ang pagtatrabaho sa live wires ay mapanganib at kailangan ng mga ligtas na tools at PEE ang gagamitin. Kailangan may sapat na kaalaman at training bago magtrabaho sa live wires. At dapat din na isaalang-alang ang kondisyon ng lugar kung saan magtatrabaho. Kailangan sumunod sa mga pamamaraan at proseso kung paano gumawa sa live wires.

Person Not Competent

  • sa trabahong electrical ay kailangan na ang gagawa dito ay qualified person, may sapat na training, may kaalaman sa electrical safety, sumusunod sa batas electrical at safety. Mapanganib ang trabaho sa kuryente kaya kailangan may kakayahan ang gagawa nito. Hindi pwede ang nagmamarunong lang dahil maaaring magdulot ito ng aksidente.

Working On Wet Areas

  • sa pagtatrabaho sa basang lugar ay lubhang mapanganib, kung maaring patayin muna ang power supply bago gumawa. Ang basang sahig ay madulas at maaring makaaksidente. Kailangan ng tamang kasuotan at PPE bago gumawa sa basang lugar at laging isaalang-alang ang kaligtasan.

Unsafe Equipments and Tools

  • ang paggamit ng mga kagamitang may sira o kulang na parte ay mapangib. Isa ito sa maaring magdulot ng aksidente kaya kailangan ang gagamitin na mga equipment at tools ay ligtas.
 

Para maiwasan ang aksidente ay ugaliin ang pagtatrabaho ng tama, pagsunod sa mga instructions, ang pagsusuot ng tamang PPE, at ang pagsunod sa mga panuntunan o pamamaraan sa elektrikal at pangkaligtasan.

Ang patatrabaho sa electrical ay lubhang mapanganib kaya naman kung may ipapagawa na nauugnay sa kuryente ay ipagawa ito sa propesyonal na tao o lisensyadong electrical practitioner. Ang kuryente ay maaring magdulot ng sunog, aksidente o pagkamatay. Lagi natin isaalang-alang ang kaligtasan ng sarili, pamilya, kapwa tao, at mga ari-arian.

Ang mga lisensyadong electrical practitioner ng Pilipinas ay PEE, REE, RME.

  • Professional Electrical Engineer (PEE)
  • Registered Electrical Engineer (REE)
  • Registered Master Electrician (RME)

“It’s better to be safe than sorry.”

Always consult a Licensed Electrical Practitioner near you.

Scroll to Top