Electrical Safety Awareness

Ang kuryente ay isa na sa pinaka-importanteng bagay ngayon sa tao, bahay, gusali, negosyo, transportasyon at marami pang iba. Dahil sa marami ang gamit nito at napapagaan ang buhay at trabaho ng tao. Siguro ay walang bansang maunlad ngayon kung wala ang kuryente. Kaya naman sa laki ng tulong nito sa tao ay naging isa na ito sa pangangailangan natin.

Ngunit sa kabila ng marami itong gamit ay isa rin ito sa napakadelikado kung hindi tama at wasto ang paggamit nito. Dahil ang kuryente ay nakamamatay at nakakasira ng kagamitan at ari-arian. Marami na ang naaksidente, namatay, nasira o nasunog na ari-arian dahil sa kuryente. Dito sa Pilipinas ang isa laging sanhi ng pagkasunog ng bahay o gusali ay dahil sa “Faulty Electrical Wiring”. Kaya naman ay mga panuntunan, pamamaraan at batas para sa wastong paggamit ng kuryente. Tulad Republic Act No. 7920 at Philippine Electrical Code at iba pang pamamaraan para maiwasan ang aksidente, sunog at pagkamatay.

Republic Act No. 7920 or “New Electrical Engineering Law.” – AN ACT PROVIDING FOR A MORE RESPONSIVE AND COMPREHENSIVE REGULATION FOR THE PRACTICE, LICENSING, AND REGISTRATION OF ELECTRICAL ENGINEERS AND ELECTRICIANS.

Ang R.A.7920 o New Electrical Engineering Law ay batas elektrikal ng pilipinas tungkol sa regulasyon ng paggawa, lisensya at pagrehestro ng mga Electrical Engineers at Electricians. Sa batas na ito ay nakasaad kung papaano magkaroon lisensya para makagawa sa elektrikal at kung anu ang magiging trabaho sa industriya ng elektrisidad. Ang mga lisensyadong Electrical Practitioner ay ang PEE (Professional Electrical Engineer), REE (Registered Electrical Engineer), at RME (Registered Master Electrician). Ang PEE, REE at RME ay ang mga lisensyadong propesyonal sa paggawa ng trabaho sa elektrikal. Kung may ipapagawa sa elektrikal ikunsulta o ipatrabaho sa propesyonal sa larangan ng kuryente. At kung hindi mo alam ang trabahong elektrikal o may problema patungkol sa elektrikal ikunsulta sa propesyonal. Para sa kaligtasan ng sarili, pamilya at ari-arian. Ang mga propesyonal na ito ay sumusunod sa batas elektrikal at pangkaligtasan para maiwasan ang aksidente at sunog dahilan ng kuryente.

Philippine Electrical Code (PEC) Part 1 2017 Edition – The latest edition of PEC. This Code is intended as a design specification or an instruction manual for qualified persons. Electrical designs must comply with the requirements of Code to ensure safety. 

Ang PEC ay ang basehan sa pagtrabaho sa elektrikal nandito ang mga minimum requirements at standards sa paggawa sa elektrikal para sa bahay, kagamitang elektrikal, sa industrial & commercial establishments, public & private buildings, including mobile homes & recreational vehicles, floating buildings, watercrafts; and other structures. Kaya dito bumabase ang mga propesyal sa elektrikal tulad ng PEE, REE, at RME. Ang PEC ay basehan para sa pagdesinyo, kagamitan, paggawa at pangkaligtasan sa pagtrabaho sa Elektrikal. Ang pagsunod sa PEC ay para makaiwas sa aksidente at sunog sa paggamit ng kuryente.

Mga dahilan ng pagkasunog sa Pilipinas in related to electrical;

Defective Electrical Devices, Sub-standard electrical materials, appliances and wires, circuit overloading, short circuits, arcing, overheating and malpractice of electricity.

Pamamaraan para makaiwas sa aksidente at sunog dahilan ng kuryente;

  • Ang pagsunod sa Batas ng Elektrikal at Philippine Electrical Code.
  • Preventive Electrical Maintenance.
  • Electrical Inspection and Audit.
  • Electrical Safety. 
Scroll to Top