Skills na kailangan bilang Electrician.
1. Electrical Installation and Maintenance
2. Safety Knowledge and Electrical Safety
3. Problem Solving
4. Basic Math
5. Teamwork
6. Code of Ethics
7. Customer Service
1. Electrical Installation and Maintenance.
– isa ito sa kailangang skill bilang isang electrician ay dapat na marunong ka sa:
- pagbabasa ng plano o electrical plan.
- paggamit ng mga power tools.
- pag-install ng mga electrical devices, machines and equipments.
- pagkukumpuni sa mga electrical devices, machines and equipments.
- piping o roughing-in and wiring.
2. Safety Knowledge and Electrical Safety
- ito ay isa sa pinaka-importanting skill ang kaligtasan sa
pagtatatrabaho, sa sarili, sa gawa at kasamahan sa trabaho. Bilang isang
elektrisyan ay dapat na alam ito ang electrical safety at kailangan din
na i-apply ito sa gawa o trabaho. Ang kaligtasan ay ang laging inuna sa
isip. Kailangan sumusunod sa mga panuntunan pangkaligtasan base sa
Occupational Safety and Health Standards at Philippine Electrical Code.
3. Problem Solving.
- bilang elektrisyan ay dapat marunong mag-lutas ng problema sa
elektrikal. Ito ay common skill dahil ang troubleshooting ay laging
kaakibat sa trabaho ng electrician. Kailangan ay marunong sumunod sa
step by step na proseso.
4. Basic Math.
- isa din ito sa
kailangang skill ng electrician dahil gumamit din math sa trabahong ito
tulad ng Ohms law, computation of loads, pag-estimate at iba pa.
5. Teamwork.
- ito ay kailangan sa trabaho ang pagtutulungan at pakikisama sa trabaho
dahil ang trabahong ito ay hindi lang ikaw ang gumagawa. Kailangang
makipagtulungan sa mga kasamahan sa trabaho. Dahil “two heads is better
than one”.
6. Code of Ethics.
- bilang isang electrician ay
kailangan marunong sumunod, mapagpasensya, makisalamuha, gumalang sa
katrabaho o nakatataas, at maging propesyonal sa trabaho.
7. Customer Service.
- ang elektrisyan ay may mga customer kaya kailangan maging propesyonal,
mahinahon, marunong makipag-usap sa customer o kliyente, maging tapat at
maasahan para mas dumami pa ang kliyente.
Ang mga skills na ito ay mga importante at dapat na alam ng isang Elektrisyan. Para sa ikauunlad ng sarili at propesyon.
Reminder: Electrical Safety is the first priority of being an Electrician.