Anu ang Lisensya ng Electrician?
Ang Lisensya ng Electrician dito sa Pilipinas ay Registered Master Electrician PRC License. Isa itong pribilehiyo na ipinagkakalooban sa sino man na nakapasa sa Board Examination na isinasagawa ng Professional Regulation Commission o PRC ng Pilipinas. Para magkaroon ng Lisensyang ito ay kailangan maipasa ang pagsusulit ng Registered Master Electrician (RME) Board Examination ng PRC.
Ang pagsusulit na ito ay alinsunod sa batas Electrical ng Pilipinas. Ito ang Republic Act 7920 o New Electrical Engineering Law nakapaloob sa batas na ito ang kwalipikasyon sa pagsusulit, kung anu-anu ang subjects na nakapaloob sa pagsusulit, kung anu ang propesyon ng isang Registered Master Electrician (RME) at iba pang propesyon sa electrical, mga limitasyon, at parusa sa mga lalabag sa batas na ito.
Related Topics: New Electrical Engineering Law
Para makapag-take sa pagsusulit na ito ay may mga kinakailangan na kwalipikasyon at mga dokumento.
Narito ang mga kwalipikasyon:
1. Kailangan ay mamamayan ng Pilipinas
2. At least 18 years of age.
3. Good reputation with high moral values
4. Hindi pa nakulong/naipakulong ng korte
5. At kailangan may technical background alin man sa mga sumusunod;
a. Kung nakatapos ng tatlong (3) taon sa BSEE o tatlong (3) taong kurso sa Electrical Engineering Technology o Apat (4) na taong kurso sa BSIT (Bachelor of Science in Industrial Technology Major in Electrical Technology) at kailangan may Certificate of Employment o Experience of atleast one (1) year na related sa Electrical Field.
b. Nakapagtapos ng dalawang (2) taong vocational electrician’s course ay kailangan may dalawang (2) taong apprenticeship at may Certificate of Employment kailangan ay related sa Electrical Field.
c. Isang (1) taong vocational electrician’s course ay kailangan may tatlong (3) taong apprenticeship at may Certificate of Employment at related sa Electrical.
d. At kung HIGH SCHOOL Graduate ay kailangan may limang (5) taon na apprenticeship at may Certificate of Employment at kailangan ay related sa Electrical.
Ang mga experience at certificate of employment ay kahit pahinto-hinto ito basta’t naabot nito ang kinakailangan na bilang ng mga taon.
Mga dokumentong kailangan at hinahanap ng PRC:
- NSO/ PSA Birth Certificate
- NSO / PSA Marriage Contract (for married female applicants)
- Transcript of Records with scanned picture at may remarks na “For Board Examination Purposes”
- TOR or HS Diploma
- Certificate of Employment
- Notarized certificate of experience signed by an REE or RME whose registration is prior to the date of employment
- Certificate of Employment or service record
Ang pagsusulit na ito ay may bayad na nagkakahalaga ng P600.00 pesos.
PRC requirements here: prc.gov.ph
Kung kwalipikado at kompleto na sa mga dokumentong kailangan ay pwede ng magsadya sa pinakamalapit na opisina ng PRC (Professional Regulation Commission) sa inyong lugar at mag file para sa Registered Master Electrician Exam (RME Board Exam). Ang pagsusulit na ito ay isinasagawa ng PRC dalawang beses sa kada taon, kalimitan ay sa buwan ng abril at setyembre.
Related Topics: RME Subjects, Topics, and Reviewers
Anu ang field of practice ng Registered Master Electrician (RME)?
Ang Registered Master Electrician ay lisensyado para gumawa o mangasiwa ng electrical installation, wiring, operation, maintenance and repair of electrical machinery, equipment and devices, in residential, commercial, institutional, at industrial buildings, in power plants, substations, watercrafts, at electric locomotives. Basta’t ang installation or the machinery ay hindi lalagpas ng five hundred kilovolt-amperes (500 Kva), at kung lagpas na six hundred volts (600 V) o 500Kva ang trabaho ay under the supervision na ng Professional Electrical Engineer (PEE) or ng Registered Electrical Engineer (REE).
Bilang isang Rehistradong Punong Elektrisyan ay pwede kang pumerma sa mga dokumentong ito bilang tagapangasiwa o nangangasiwa sa Electrical Installation na mayroong rated na hanggang 500Kva o 600 volts:
1. Electrical Permit
2. Certificate of Final Electrical Inspection/Completion (CFEI)
3. Certificate Of Experience Form ng PRC o PRC Form 104
4. Certificate of Safe Operating Condition (500Kva/600 volts)
Related Topics: Online Application For RME Exam